I heart Mr. Potato from Toy Story 2 =))
Automatic doors =)) Have you ever been to
ATC (
Ayala Town Center)? If you've been there eh di alam niyo naman siguro yung mga auto-doors dun di ba? Kahapon lang uli ako nakapunta dun, after ilang months. Medyo natuwa ako kase meron na rin silang detector sa entrance pa lang. Yung parang sa mga airport, kung saan dadaan ka dun, tas pag may kakaiba sa 'yo tutunog. Mahiya ka naman kung tumunog yon. Mahiya ka =)) Ay wait, di ko alam kung tutunog pala. Wahahaha. Basta sigurado may kakaibang mangyayari.
ANYWAY, ang pupuntahan ko naman talaga is
KFC. Naglakad ako mula sa may
North Park - grabe di ba, ang layo layo. Mga ilang automatic doors din ang dinaanan ko - ilang beses din akong natatawa sa sarili ko =)) Minsan ba iniisip niyo din kung pano na lang bumubukas yung mga pinto na yun? Kase ako eh napapaisip kase ako hindi lang ako basta basta dumadaan - ako'y na-cu-curious din naman xD Dati ang akala ko, kelangan mo tapakan yung malaking door mat para ma-open yung pinto. May tapakan kung baga xD May kaklase din akong dinamay sa pag-aagam-agam ko, at talagang kinuwestiyun ko siya kung pano ba talaga nabubuksan yung mga auto-doors.
TALAGANG TOPIC NAMIN YUN NG ILANG ORAS x) Pweh, di rin niya alam. ANYWAYS, yun na nga. Minsan sa sobrang bilis kong maglakad, di ko na minsan naiisip na baka sa sobrang walang hinto ko eh bigla na lang ako mauntog sa pintuan na yun kase malay ko ba baka di pala bumukas... o kaya ang pinaka-katangahang parte dun eh kung baliktad ang napasukan mo, sa exit ka papasok imbis na sa entrance =)) Joskopo, mahiya ka - ay ako pala =))
Isa pang nakakahiyang parte. Kung napahinto ka at nabagabag kase hindi nga bumubukas yung automatic doors kahit ilang beses ka nang palakad- lakad at patalon-talon sa harapan nun. Yung tipong ita-try mo pang imano-imano at magpapaka
Incredible Hulk ka at bubuksan na lang gamit ang pareho mong kamay sabay BOOM warak ang pinto. O kaya nakatunganga ka na lang dun at maghihintay ng kasabay... habang tinatawanan ka na ng mga tao sa kabilang parte nun kase transparent at naka-glass yun at kitang-kita kang nagpapakagaga sa may pinto =)) Tsk tsk. Bali-baliktarin man natin ang sitwasyon - tayo pa ring mga manlalakad na mamamayan ang lalabas na kawawa hindi ang mga pinto.
MAG-INGAT, wag tayong magpapa-loko sa mga auto-doors. Alamin kung tama ang pinapasukan at nilalabasan - para di naman halatang taga-bundok ka x) whattaexperience xD
Balik na kaya ako sa Blogspot? Hmmmmm.
New layout. Finally.
Sawang sawa na talaga ako sobra sa luma ko. Kaya ko naman naisipan na ayusin uli 'tong Blogspot ko kase ayoko na ng domain >:) Basta ang hirap niyang i-manage, tapos masyado pang high-tech lahat - di ko na ma-gets yung iba dun. At ang pinaka-dahilan pa, masyadong matrabaho at hindi long-lasting yung mga entries ko kase may possibility na yung host ko eh ma-down any minute o kaya pag nag-expire na yung domain at wala kang pang-renew, deads ka pati na rin ang lahat lahat ng blog entries ko mawawala na lang ng parang bula. Na-inspire kasi ako dun sa luma kong
blog. Sa totoo lang, kung di lang talaga "
KAILANGAN NA KAILANGAN" magpalit ng URL at magbago ng blog, di ko talaga iiwan yun kase tuwang tuwa ako sa mga pinaglalalagay ko dun - tsaka sobrang feeling ko yun na yung pinaka-magandang blog na nagawa ko. Masama talaga loob ko nung iniwan ko yun, talagang napilitan lang talaga ako. Hinayang na hinyang at dismayado ako kase sa sumunod kong mga blogs, di ko na napantayan yun. Pero I'm doing my best, and trinay kong i-apply ang favorite color schemes ko sa bago kong layout: black, pink, blue, orange, yellow, etc. Inlab na inlab talaga ako sa colors na yan lalo na pag pinagsama-sama ko na - para talagang rainbow eh! =)
I also added an
advertisement feature. Apply lang kayo sa taas ^ Hehe. Gusto ko din sana i-pursue yung Q&A kaso wala ng space eh xD Pero you can still ask me questions regarding stuff sa sidebar. Any questions would be appreciated. Except rude/vulgar ones. Bawal ah. Naka-log IPs niyo. Meron din akong
Shout out feature =) Dito ko ilalagay lahat ng gusto kong ipagsigawan sa mundo. Wahahaha. Parang friendster lang. Ganun. I also got
Lyrics for the day feature. Ganito yan, minsan kase naaadik ako sa isang kanta, tapos paulit ulit ko siyang pinapatugtog tas kinakanta na rin xD Kaya gusto ko din sanang i-share sa journal ko yung kinaaadikan kong kanta for the moment. Okay sa alright di ba =)) Dami kong alam noh =))
Medyo
Japanese din itong current layout ko. Alam niyo ba kung baket humantong sa ganyan? Kase ganito yan. Kung di niyo naitatanong sobrang inlab ako sa jdoramas, tsaka sa mga asian fafabols nung 2nd yr pa ako (lalo na si
Jun Matsumoto).
AS IN SOBRA DI KO NA MA-EXPLAIN LAHAT LAHAT NG KAGAGAHAN NA PINAGGAGAGAWA KO SA SOBRANG INLAB KO SA JAPAN =)) Too bad, nung nag-third year ako medyo napudpod ako sa school work, medyo nagkalimutan na kami ni fafa Matsujun =)) Hanggang nawala na yung hilig ko. Pero last week, aksidente kong napakinggan yung "
Love so Sweet" ng
Arashi. Nag-flash back lahat xD
LAHAT LAHAT. Kaya sabi ko, yan na yung theme ko sa layout ko -
tokyo-ish. Nagkataon pa na may blend header ako ni
Toda Erika na ginawa ko na matagal na panahon na pero di ko lang talaga alam kung san ko gagamitin. So shoot, yun na =) Yan na yung ending. Mga ilang araw ko din yan ginawa, at medyo may inaway pa ako nung mga panahon na yon kase istorbo xD Eh sobrang na-pe-pressure na ako tas mang-iistorbo pa =)) Pero ok na naman, mabait naman kase yun eh. Haha, kung sino man siya di niyo na kelangan pang malaman =))
ANYWAY. Finally, meron na rin akong
Twilight. Yesterday ko lang siya nabili sa
ATC sa may
Powerbooks - mura lang pala, mga
P339.00 lang. I love the cover and medyo makapal yung book kaya nakaka-ingganyo basahin. Can't wait xD Magpapaka-bookworm nanaman ako =)) Although I don't know if I still can find time to read books - medyo hectic kase lately sa assignments, presentations & practices eh. Amp nga eh >:( After kong matapos yung Twilight try kong bilhin yung iba pang books sa series - release na nga nung
Breaking Dawn sa August 4 eh. Sigh, sana makahabol pa ko.
Sorry taglish yung entry ko. Medyo alog na kase utak ko eh =) Geh babye.
Labels: Atc, Automatic Doors, Blab, Blog, New Layout, Tokyo-ish